:::2003-10-28-10:45 a.m.:::
Ang mga ginawa ko kahapon:
1) Pumasok ng sobrang aga dahil akala ko mag-aaral kami sa eco ng aking ibang blockmates [pero hindi sila dumating nang maaga oh well]. In fairness, first time ko mauna sa classroom BUONG BUHAY KO. Noong grade school, high school kasi ako kapag may chance na maaga ako laging may nauunang isa or dalawa. On other times, mga 5 minutes before the bell na ako nakakarating.
2) Nag-attend ako ng Englone class kung saan kami ay pinapose ng mga kung anu-ano at gagawan namin ng storya ito.
3) May 50 minute break kaya pumunta kami sa EGI Taft Tower at kumain.
4) Nag-attend ako ng Inersci kung saan kami ay nagdiscuss ng atmosphere.
5) Nagcut ako ng Artapre para mag-aral sa Eco.
6) Nagtest sa Intreco at medyo nadalian, mahaba nga lang.
7) Nagpunta sa isang internet cafe at tinuloy ang storya kong hindi pa tapos hanggang ngayon.
8) Umakyat sa Malate office kung saan ako ay nagtawag ng sponsors.
9) Hinintay ang mga kasama ko at pumunta kami sa spot sa Manila Bay.
10) Nagpakasenti sa Manila Bay, kumanta ng kung anu-anong kanta [courtesy of his guitar] at pinanood ang sunset.
11) Nagpagabi sa Manila Bay at naglakad ng malayo para makabili ng balot [dahil walang makitang tukneneng/kwek-kwek], at penoy pa ang nabigay sa akin.
12) Namato ng piso [isang luma at isang bago] sa Bay. Patawad sa mga lamang-dagat na natamaan ko.
13) Naglakad mula Manila Bay hanggang La Salle at umakyat ulit sa Malate office [na nasa fifth floor]
14) Nagpakuwento ng "Memnoc [?] the Devil" at Sandman.
15) Nagbasa ng Sandman.
16) Umuwi na at natulog sa kotse.
17) Tinawagan ang isang kaibigan at nagpakuwento ng mga kasawian sa buhay.
18) Natulog nang 12:30.
Ang saya. At pakiramdam ko maysakit ako ngayon. Nakakairita. Ayoko pumasok. Gusto ko na lang matulog. Ang bigat ng katawan ko.
Hindi ako nakapunta sa Family Day, at lalo akong nanghinayang dahil hindi ko nakita ang mga kaibigan ko...
Hindi ko man lang na-celebrate ang First Year Anniversary ng Loser's Day. Happy Loser's Day! [October 27].
Argh. I feel sick.
:::2003-10-25-9:38 a.m.::: Twinx, tama ka, I'm just being stupid. Pero di pa rin ako ang unang lalapit sa kanya, dahil ever since, siya naman ang unang lumalapit sa akin. Gusto ko pumunta sa fair ng STC pero leche di ako makakapuntaaaaaa leche bad timing ang lahat. Sa wakas, nakakita na ako ng pseudo-sunset kahapon [killjoy ang mga clouds] at nakapagsenti na rin. Ang sarap sa Manila Bay. Kaya pala gustong-gusto pumunta ng kuya ko dun. Kagabi rin nag-stay ako ng late para manood ng concert ng Sugarfree, Narda, Razorback, at kung ano pang mga bands na nag front act sa kanila. Di ko masyadong naenjoy dahil yung unang mga bands di ko maintinidihan ang lyrics. Sugarfree lang ang naintindihan ko. At may narealize ako: Kanta ko pala ang burnout. Hahahaha Same as kanta ko rin ang Boys Don't Cry ng Plumb. It goes like this: You sit there on the couch / Sipping your scotch and ice / You turn the TV on and tuned me out again / *So what would you say to me / If you could talk to me / You could ask anything / I wouldn't lie / But you're okay with this / damaging awkwardness / So I'll just play it safe / Keep it inside / Boys don't cry / I used to hold your hand / So tight there was no question / Now even when you're near, I never felt so alone / * / If you just stand beside / I'll keep you in my life / Tell me how much you love me / And I'll be just fine / Don't be afraid of me... Pero parang kanta niya sana sa akin to, pero what the heck. Isang dakilang wish lang yun.
:::2003-10-23-8:02 a.m.::: Sa Quameth g(x) ay expectation?! 0_0 Coincidence. Very weird coincidence. Masaya kahapon, kahit di ako nakaakyat sa malate ofis. Pumunta kami ng aking barkada noong fourth year high school sa greenbelt, kung saan ang pinanood namin ay "My Boss's Daughter" sapagkat hindi kami pinapasok sa Spanish film fest dahil kami ay below 18. [shall post the review of my boss's daughter soon] Nagbonding din kami sa tapat ng Cafe Breton, kung saan kami ay nag-usap tungkol sa end of the world, existence of guardian angels, death, at marami pang iba. As usual, marami akong natutunan. Sinabi ko sa kanila lahat ng problema ko, at talagang nakakatulong maglabas. Ngayon, hindi na ako masyadong namromroblema, dahil alam ko na nadyan pa sila ara sa akin. Yuck siyempre nagdrama na naman ako. Binigyan nila ako ng isang dosenang pulang rosas at stuffed toy ng care bear na violet. Long overdue gift daw sa birthday ko. Hay. Mahal na mahal ko talaga sila. Medyo mas magaan na pakiramdam ko ngayon. Bahala na kung ano mangyayari mamaya. Sana totoo ang mga salitang 'happy-go-lucky'.
:::2003-10-21-7:04 p.m.::: Happy happy birthday to you and you!!! Medyo na-drain yung isip ko sa debate kanina, yung "is human nature good or evil?" At siyempre nandun kami sa evil side. Ako yung last speaker, so therefore I will rebutt everyone in the other group. Okay naman daw yung speech ko, sabi ng block. Nakakaimpress daw. =) Good. Ang aking crush na si g(x) ay kalaban ko dun sa debate, kaya irerebutt ko siya. Palibhasa kasi alam niya na crush ko siya, pa-cute siya habang rinerebutt ko yung points niya. Ang lawak ng ngiti, nakakairita. Sarap sampalin. Pero siyempre di ko kaya. Pagkatapos nun, balik kami sa hindi pagpapansinan. Okay lang naman e, alam ko namang kasalanan ko, di katulad dati na alam kong wala akong ginawa sabay hindi niya ako pinapansin. Hay. Ang hirap ng ganito. Tinanong ako nung ka-block ko kanina kung bakit ako nakaitim [nakaitim kami kasi pinag-usapan namin na ang 'evil group' ay magmumukhang gothic]. Sabi ko ipinagluluksa ko ang pagkamatay ng pag-asa. Pigil akong tumingin kay g(x) nun. Pero totoo naman e. Sumasakit talaga ulo ko. May kuwento pa akong gagawin. Hay. Stressed, pero di masyado. Bukas lalabas kami ng barkada ko nung high school. Sa wakas. Nakakamiss. Nagcut ako sa English kanina para mag-ayos ng speech. At mahal na mahal na mahal na mahal ko sina rhoderiezl cuevas samson at dianne marie atienza santos na siyang nagpamukha sa akin na human nature nga ay evil. On g(x) Sabi ng mga kaibigan ko [bonding kami sa bahay ni dianne kahapon... parang nung 4th year high school... nakakamiss] na mabait pa daw si g(x) dahil kung ibang lalaki daw yun ay malamang niligawan na ako para samantalahin yung pagkakagusto ko sa kanya. Problema isip-bata talaga si g(x) kaya malamang di niya naiisip yun. Pareho kaming isip-bata kaya kami nag-iiwasan ngayon. Hay buhay.
:::2003-10-18-10:16 p.m.::: excerpt from here: Sana ay hindi ka ginawin sa ulan at mamanhid sa punto na hindi mo na alam na umuulan pala (kagaya ko). Siguraduhin mo rin na bubuksan mo ang payong kung kailangan. Kuya Jomic, Kuya, siguro yun na yung pinakamagandang paraan para di masaktan. Ang hirap e, di ba? Hindi ka niya papatulugin. Gusto mo siyang isipin pero ayaw mo. Ayaw mo siyang isipin pero gusto mo. At pag nalaman pa niya, mas malaking problema pa. Ayun na yung papaasahin ka niya, andun yung iiwasan ka niya, magbabago pa yung pakikitungo niya sa iyo. Kung sanay kang kaibigan siya, at sanay kang ikaw yung binibiro, sabay magiging malamig ang pakikitungo niya sa iyo, lalong problema yun. Nandiyan pa yung selos. May ka-close siyang kaibigan ko. Lagi silang nagbibiruan na crush daw nila ang isa't-isa, siyempre ako nakikiride na lang. Pero taena, sa loob loob ko nagngingitngit ako sa galit. Wala naman akong karaptan magalit. Akin ba siya? Hinde. Naalala mo nung sinabi kong gusto kong maging assassin o spy dahil astig sila? Ngayon ko lang narealize kung bakit gusto ko maging ganun. Gusto kong patayin ang damdamin ko. Ayaw ko nang makaramdam. Sasabihin ko pa rin ito sa iyo kahit alam kong di ka na pumapatay kasi gusto ko maglabas, at nakita ko ang letter mo at doon ko naisipan irelate lahat ng ito. Kuya, gusto ko ng immunity. Ayaw ko mainlove sa kaibigan. Ayaw ko mainlove sa blockmate. Nangangatog na ako kuya. Parang nagsasawa na ako sa ulan. Wala na siyang kahulugan para sa akin. Hindi na ito ang dahilan kung bakit ako masaya. Kuya, eto na nagiging dahilan kung bakit malungkot ako. Kung bakit sa kaarawan ko lang ako masaya. Ganun na lang siguro. Pag nakita kong uulan na, iiwas na lang ako. Pag nakita kong siya ang magiging dahilan ng pag-ulan, bubuksan ko na payong ko, para tama na. Para maging maligaya na ako ulit. Yot Salamat sa bati. Mahal na mahal rin kita. Masaya ang birthday ko. Alam mo ba, sinorpresa ako nung barkada ko sa STC mula grade four. Pumunta silang La Salle. Nagcut nga ako ng last 10 minutes ng subject na yun, pero nagcheck ulit ng attendance yung prof, at minarkahan akong absent. Leche. May nagbigay sa akin ng 1 bar ng KitKat White. Di ko pa rin kinakain. Bumati sa akin ang buong block ko, bumati kayo nina omi at meggy, bumati sa akin ang iv5, bumati sa akin ang Malate. Nilibre ko ang mga kaibigan ko sa Malate sa Taketori, Japanese food shop siya sa University Mall. Yung kuwento ko, eto pala. Naalala mo yung kinukuwento kong parang "kuya" ko sa block? [Iba pa yung kuya ko sa Malate. hehe] Tinanong niya sa akin kung masaya ba ang birthday ko. Sabi ko hindi pa, kasi wala pang nagbibigay sa akin ng flowers. Sobrang saya pag nakakatanggap ka ng bulaklak no? Parang ang special special mo dun sa tao. Anyway, kumuha si Kuya ng yellow pad at pentel pen na red, tapos nagtago siya sa isang sulok ng classroom. Sinusubukan ko tingnan kung ano ginagawa niya, pero tinatago niya sa akin. Binigay niya sa akin yung yellow pad, may drawing ng flowers at dedication na sana daw napasaya niya ako sa birthday ko. Maliit na bagay lang, pero pakiramdam ko nakumpleto birthday ko, kahit wala yung sunset na regalo sana ni Kuya Jomic. Tapos kagabi, nagbigay yung dalawang blockmates na si Teta at Cindi ng dalawang pulang bulaklak sa akin, habang kinakantahan ako ng Happy Birthday. Sobrang saya ko kagabi, pero ngayon hindi na, basahin mo na lang yung letter ko kay Kuya sa taas nito. Alam mo naman na si __(kapangalan ng boylet ni Kit)__ ang pinag-uusapan dun. Siya pa rin ang nagbibigay sa akin ng problema hanggang ngayon. In fairness, siya yung bumili ng drinks na tinira kagabi, binigyan ko lang siya ng pera. Ang haba na nitong post na ito. Haha :) Salamat sa pagbasa. Mahal talaga kita. Yot
:::2003-10-18-10:14 p.m.::: Here's an interesting mail... Read slowly daw. This is for all my friends who are reading this blog. Have you ever wondered which hurts the most? Saying something and wishing you hadn't? -or- Saying nothing and wishing you had? I guess the most important things are the hardest things to say. Don't be afraid to tell someone you love them. If you do, they might break your heart...if you don't, you might break theirs. Have u ever decided not to become a couple because you were so afraid of losing what you already had with that person? Your heart decides whom it likes and whom it doesn't. You can't tell your heart what to do. It does it on its own.... when you least suspect it, or even when you don't want it to. Have you ever wanted to love someone with everything you had, but that other person was too afraid to let you? Too many of us stay walled up because we are too afraid to care too much... for fear that the other person does not care as much, or even at all. Have you ever denied your feelings for someone because your fear of rejection was too hard to handle? We tell lies when we are afraid... afraid of what we don't know, afraid of what others will think, afraid of what will be found out about us. But every time we tell a lie, the thing we fear grows stronger. Life is all about risks and it requires you to jump. Don't be a person who has to look back and wonder what they would have done, or could have had. *What would you do if every time you fell in love you had to say good-bye? *What would you do if every time you wanted someone they would never be there? *What would you do if your best friend died tomorrow and you never got to tell them how you felt? (even if it is that you don't care anymore) *What would you do if you loved someone more than ever and you couldn't have them? *What would you do if you never got the chance to say I am friends with all of my family and they know I love them? People live, but people die. And I want to tell you that you are a friend. If you died tomorrow (God Forbid), you would be in my heart. We might be best friends one year, pretty good friends the next year, don't talk that often the next, and don't want to talk at all the year after that. So, I just wanted to say, even if I never talk to you again in my life, you are special to me and you have made a difference in my life, I look up to you, respect you, and truly cherish you. Remember, everyone needs a friend, someday you might feel like you have NO FRIENDS at all, just remember this post and take comfort in knowing somebody out there cares about you and always will. I LOVE YOU. *and hey, i can be as cheesy as I want. Pagbigyan na, happy birthday to me.*
:::2003-10-18-10:13 p.m.::: They wrote a letter for me. Thanks so much. First time ko malasing kagabi. Kasalanan ng dalawang shot ng tequila, isang lata ng red horse, at 3/4 bote ng vodka ice [na sobrang sarap lasang sprite], at tatlong trips or more [wasn't able to keep count] sa elevator na six floors paakyat at pababa. and of course my stupid mouth has got me in trouble. Nasabi ko dun sa friend ng crush ko [na lasing din] na crush ko yung friend niya [labo?]. At siyempre sino ba makakapigil sa kanya na sabihin sa crush ko na crush ko siya. Good thing medyo may tama [or lasing?] yung crush ko kaya ngayon sana wish ko lang di na niya maalala yung sinabi sa kanya nung friend niya. Hay. Paano ko kaya sila haharapin sa Monday? Kakahiya. Sabog pa ako ngayon. Medyo masakit ang ulo ko at mainit ang pakiramdam ko [pero wala akong lagnat]. Gusto kong lumayas pero leche closed yung mga kalasada dahil kay high-and-mighty Bush kaya malamang traffic. Argh. Antok pa ako. Sabog sabog sabog sabog.