:::2003-10-16-8:33 p.m.:::
Maraming maraming salamat sa mga bumati. I love you all.
17 Things I learned so far:
1) There is no good, there is no bad. Just perspective and opinion. And this applies to everything.
2) Expect the worst. Always. It's better to be pleasantly surprised to know that you are wrong than to be crushingly depressed to know that you are wrong.
3) When things seem to be at its worst, it CAN get worse.
4) And when it really really is at its worst, there's no other way but to go up. So cheer up. :) It's always darker before dawn.
5) Learn to respect other people's beliefs and decisions. Be open-minded.
6) Believe in the law of KARMA.
7) Don't expect a moment/time to be exactly the same as before, even if it features the same characters, the same setting, same conversation. Something's always bound to be different.
8) Don't expect others to understand you when you can't even understand yourself.
9) You'll be thankful for whatever hell you are experiencing now, when you look back at it someday.
10) Laging MAGSIPAG!
11) People do change. And more often, there's nothing you can do to stop them.
12) Everything is relative.
13) Chain letters are ineffective as long as you don't believe in them.
14) You can't always have what you want.
15) Someone out there loves you. When you feel at your lowest, someone or something is bound to cheer you up, intentional or not.
16) Trust is easy to lose, hard to regain.
17) In the end, it all boils down to you. Even when you feel that you can do nothing against your fate, you can. You can choose to go with it, or go against it. There's always a choice. The reason why people say that there is no choice because the other choice is unthinkable for them.
Next year, I'll post 18 things I've learned. Entirely different for this one.
:::2003-10-14-9:40 p.m.::: Nagpagupit na akooo~!!! Yeba yeba yeba!!! *happy happy* *ehem* Kanina habang naglalakad papuntang UM para manood ng sine ay may nakasalubong kaming matandang babae. Una, sabi lang niya kung pwede magtanong. At saka na nga siya nagkuwento na taga Dasmarinas daw siya at inian daw siya ng mga walanghiyang kasama niya at ayaw siyang isakay ng dyip at naisnatch ang wallet niya at 21 pesos ang pamasahe pauwi at may ilang araw na rin daw siya dun. Ayun, nanaig ang aking kagandahang-loob [whatever] at binigyan ko siya ng 10 piso kahit 65 pesos na lang ang pera ko [bale naging 55 pesos na lang ang pera ko pagdating ko sa UM para manood ng sine]. At ngayon lang ako nag-isip. Kung matagal na siya dun, bakit di ko siya nakikita? bakit siya iniwan ng mga kasama nya? bakit hindi siya pinasakay nung dyip? In fairness disente talaga ang suot niya. Kaya medyo plausible yung kuwento, kahit weird. Nung nakita niyang 10 pesos lang ang binigay ko, inulit niya na 21 pesos ang pamasahe. Sabi ko sorry po, allowance ko na rin yan e. Medyo nairita na rin ako kaya iniwan ko na siya dun. Ano na kaya nangyari sa kanya? Btw, things are starting to look up. Thank you. You just made my day. And i really love my hair.
:::2003-10-13-8:38 p.m.::: Lamo niyo, ang tanging hiling ko lang nung Sunday during mass ay sana maging masaya ako this week. So far, wala pa rin e. Lahat na rin ng naeencounter ko hindi masaya. Anu bang problema? Ewan. Futile na sigurong hilingin na sana masaya ang mga tao sa birthday ko.
:::2003-10-12-10:11 p.m.::: Out of 52 weeks in the damned calendar, my mind chose this freakin' week to be cranky. Aaaaaaaarrrrrrggghhhhhh.
:::2003-10-10-8:51 p.m.::: Bago ang lahat, CLARIFICATION: Hindi ako nagmamadali. Argh. Bakit ba lahat ng tao iyan ang sinasabi sa akin?! Ang saya saya saya saya ko ngayong araw na ito. Sobra. Hindi ba napakaganda ng full moon? Especially kapag nakikita mo siyang umaakyat pa lang? Napakaganda niya. Parang isang malaking dilaw na ostiya na nakabitin sa kalangitan. Parang isang matang napalilibutan ng itim o abong ulap. Parang mata ng Diyos, o ngiti ng Diyos para sa mga taong may oras pang tumingin sa kalangitan para makita ang kanyang kagandahan. Hindi ba napakaganda ng elevators? Iba ang feeling ng kapag umaakyat ka. Iba rin ang feeling kapag bumababa ka. Mas masarap ang umaakyat. Para kang nasa daan patungo sa paraiso. Ang saya. Iba ang ilaw sa loob ng elevator. Iba kaysa sa realidad. Iba kaysa dati. Iba kaysa sa mga nakalipas. Iba ang mga numero sa elevator. Mahal na mahal ko ang numerong siyete. Napakagandang numero. Panira ang tunog ng humihintong elevator at may sasakay pa at sisira sa kasiyahan niyo. Sisira sa kasiyahan mo. Pero okay lang. Kunwari magpapanggap kayong mga 'mature' na tao, tahimik sa elevator, samantalang kanina ay harutan kayo nang harutan nung kayong dalawa lang. Kaysaya ng ulan. May napakagandang metapora si (J)69 para sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay ulan. Sa gubat, ito ay nakakapagpalago ng mga halaman, ngunit sa siyudad, lalung-lalo na kapag nasa sidewalk ka, mabuburat ka, dahil leche, kailangan mong makarating sa paroroonan mo nang malinis at maganda, sabay sisirain ng ulan. Sa mga skwater din sa tabi ng riles o ng ilog, masisira ang bahay nila dahil sa lecheng ulan na iyan. Iba ang perspektibo ng ulan/pag-ibig, depende na lang kung nasaan ka. At pag binuksan mo ang payong, pinatay mo ang pag-ibig. Hindi na siya dumadaloy papunta sa iyo. Ang pagmamatigas mong hindi magalaw ng ulan/pag-ibig ay ang pagpatay dito, at pagpatay sa iyo. Bastardized version lang to. Basahin niyo na lang dito ang kumpletong version. Idol ka talaga, (J)69. Astig ka.